Kapag ako ay nahulog ng tuluyan, nandyan ka ba para ako’y hawakan? Nandyan ka ba sa aking kapaligiran? O ako ay mababalot lamang ng katahimikan?
Sa lahat ng tao na pwedi kong magustuhan, bakit ikaw pa ang sinisigaw ng aking puso at ang sinasabi ng aking isipan? Pano ba mapigilan ang bugso ng damdamin, kasi alam kong hindi ka magiging akin kailanman.
Tila tala ng mga bituin saan man papunta, ito ay aking susundin, dahil ako ay kanyang alipin, ano kaya ang itsura nito kapag ito ay buoin.
Naririnig ang ihip ng hangin na umaawit, ito’y parang nang-aakit, pinapatahimik ang aking galit, gamit ang kaniyang awit.
Mukhang malabo kunin ang bituin, halatang hindi mapapa-sakin, ngunit sa sandaling ito, pwedi bang ako ay samahan mo dito sa tabi ko?